Nagbitiw ng maaanghang na salita si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., laban sa China sa gitna ng pananatili pa rin ng mga Chinese vessels nito sa West Philippine Sea.
Sa isang Twitter post, sinabi nito na hindi na nakikitungo ng maayos ang China sa kaibigan nitong Pilipinas na patuloy ang pinapakitang kabaitan.
Giit ni Locsin na isang ‘OAF’ ang China o hindi kanais-nais na tao na ipinipilit ang pwersa sa sinumang nais makipagkaibigan dito.
Paliwanag ni Locsin na ang tanging solusyon sa bangayan at agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea ay nakadepende sa panig ng China.
Sa huli, binigyang diin ni Locsin na tila nahihirapan ang China na intindihin ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa naging desisyon ng arbitral tribunal na pumapabor sa pag-aari ng Pilipinas sa naturang teritoryo.