Itinanggi ng aktres na si Loisa Andalio na nagli-live in na sila ng dancer na si Ronnie Alonte.
Nilinaw ni Loisa na hindi sila nagpapaapekto sa kanilang mga basher kaugnay sa kumakalat na isyu sa Social media.
Ayon sa Aktres, matagal nang nababalita ang naturang isyu kung saan, nagkataon lang na magkalapit sila ng bahay ng kaniyang boyfriend at 15 minuto lang ang layo nito sa tinitirhan ni Ronnie.
Sinabi pa ni Loisa na totoo ang lahat ng litratong nakikita ng publiko sa social media na kasama nito si Ronnie pero hindi nila inakalang gagawan ito ng isyu ng mga tao.
Deadma naman si Ronnie sa intriga ng mga netizen at sinabing prayoridad nila na maikasal muna bago makipag live-in at magka-anak.
Iginiit pa ni Ronnie na masaya sila ni Loisa dahil wala silang ginagawang masama at inaapakang tao.