Nag-alok ng P500,000.00 pabuya ang lokal na pamahalaan ng Dasmariñas City para sa makapagbibigay ng impormasyon kaugnay sa riding in tandem na salarin sa mga pamamaril sa lungsod.
Ito ay kasunod ng pag-viral sa social media ng umano’y mga gumagalang riding in tandem sa bahagi ng Imus at Dasmarinas City, Cavite na bigla na lamang namamaril.
Sa panayam sa DWIZ, sinabi ni Dasmariñas Mayor Elpidio ‘Pidi’ Barzaga, bukod sa pagbibigay ng pabuya ay kanya na ring ipinag-utos ang pagbabawal sa pagsusuot ng helmet sa mga naka-motosiklo na dumaraan sa mga minor roads.
Naglagay na rin ng police check points sa lungsod biglang paghihigpit sa seguridad.
Ayon pa kay Barzaga, bagama’t patuloy ang kanilang imbestigasyon para matukoy ang motibo sa mga pamamaril ay hindi nila masabing may kaugnayan ang mga insidente sa iligal na droga.
Well, it’s too early to conclude.
Hindi natin masabi kasi bine-verify pa namin, kasi ‘yung iba naman eh mga trabahador.