Nagtakda ang Ilocos Sur Provincial Government ng price cap sa pagbebenta ng baboy sa lalawigan.
Ayon kay Governor Jeremias Singson, sa nilagdaang Executive Order no. 43 noong October 13 na sinusunod ng lokal na pamahalaan ang rekomendasyon ng Provincial Price Coordinating Council na magpapataw ng 60 araw na freeze sa farm gate price ng baboy.
Nasa 200 kada kilo ang baboy habang 300 ang lean pork.
Layunin nitong payagan ang mga tagapag-alaga ng baboy na kumita sa gitna ng pagtaas ng presyo ng pagkain kung saan matulungan ito na mabawasan ang kanilang pagkalugi sa ekonomiya. —sa panulat ni Jenn Patrolla