Umaapela ng dagdag na pondo at relief goods ang mga lokal na pamahalaan na apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal.
Ayon kay Balayan, Batangas Mayor JR Fronda, hindi na tatagal ang suplay ng kanilang pagkain para sa mga evacuee at wala pa silang nakahandang pondo na pagkukunan.
Sinabi naman ni Tuy Mayor Randy Afable na bagama’t mayroon silang P2.3-M na calamity fund ay hindi ito magkakasya sa 6,500 evacuees at mga residente.
Aniya maliit silang bayan pero ilang araw na rin nanunuluyan ang mga residente sa mga evacuation center at natigil ang mga hanapbuhay.
Dahil dito, umaasa anila sila sa donasyon at magagawa ng pamahalaan.