Inamin ni San Juan Mayor Francis Zamora na baon sa utang ang lokal na pamahalaan ng San Juan na aabot sa P1-B.
Ito ay sa gitna ng reklamo ni Manila City Mayor Isko Moreno na mahigit P4.3-B utang ang iniwan ni dating Manila Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada sa lokal na pamahaalaan ng Maynila.
Ayon kay Zamora, malaking bahagi nito ay dahil sa naging konstruksiyon ng bahagi ng city hall at expansion ng San Juan Medical Center.
Nag-iwan naman si dating San Juan Mayor Guia Gomez ng mahigit P1.3-B halaga ng pondo ng syudad ngunit kung ibabawas ang mga dapat pang bayaran ay umabot na lamang ito ng P300-M.
Si Estrada ay dating alkalde ng San Juan habang si Guia ay kilalang karelasyon ng Estrada at ina ni Senator JV Estrada.