PAGTULONG sa mga magsasaka na makaahon sa kahirapan sa pamamagitan nang pagbibigay ng mga karampatang tulong para tumaas ang kanilang produksiyon at kita.
Ito ang magiging prayoridad ng tambalan nina presidential aspirant Bongbong Marcos at Davao City Mayor Sara Duterte sakaling palarin sa Halalan 2022.
Plano rin nilang dagdagan at palakasin pa ang lokal na produksiyon ng fertilizer upang hindi na kailangan pang umangkat sa ibang bansa dulot na rin ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga imported na pataba.
Isa sa mga itinuturong dahilan sa patuloy na pagtaas ng halaga ng pataba ay ang walang humpay na paggalaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.
Isa sa mga itinuturong dahilan sa patuloy na pagtaas ng halaga ng pataba ay ang walang humpay na paggalaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.
Dahil dito, bukod sa paglalaan ng sapat na pondo, isusulong din ng BBM-Sara tandem ang pagpapatupad ng isang strategic roadmap para sa pagtatayo ng local fertilizer factory na nakadisenyo para matulungan ang mga magsasaka.