Dapat ilantad ng Commission on Elections (Comelec) ang lokasyon ng central server nito sa gitna ng pagdududa sa integridad ng midterm elections.
Ayon kay National Citizen’s Movement for Free Elections (NAMFREL) Chairman Gus Lagman, bagaman dapat bantayan ang server, mas magiging “secured” naman ito kung batid ng lahat kung ano ito.
Inirekomenda naman ni Lagman ang pagkakaroon ng isang hybrid election system sa mga susunod na halalan kapalit ng kasalukuyang automated process.
Dapat aniyang masaksihan ng mga botante pagbibilang sa kanilang boto sa isang automated system pero sa kasalukuyang sistema ay hindi nakikita ng publiko ang kanilang mga boto.