Tukoy na ng militar ang kinaroroonan ng German hostage ng Abu Sayaf na si Jurgen Kantner kaya’t tiyak na ang pagsagip dito.
Ayon kay Col. Edgard Arevalo, pinuno ng public affairs office ng AFP o Armed Forces of the Philippines, umaasa siyang tuluyan nang masasagip si Kantner sa araw ng Linggo, ang itinakdang deadline ng mga bandido.
Bagama’t sinabi ni Arevalo na nakakasa na ang operasyon ng mga sundalo para tugisin ang mga terorista, tumanggi na si Arevalo na magbigay pa ng detalye hinggil dito.
Kasunod nito, muling umapela ang militar na huwag kumagat ang sinuman sa pamilya o German government para sa hinihinging ransom ng mga bandido.
By Jaymark Dagala |With Report from Jonathan Andal
Photo Credit: CNN Philippines