Isinugod sa ospital ang isang lola at 4 nitong apo matapos sumama ang pakiramdam nang makakain umano ng mushroom o kabute sa Mapandan, Pangasinan.
Ang mga biktima ay nagreklamo nang pagsusuka at pagkahilo matapos kumain ng kabute sa kanilang pananghalian.
Ayon sa mga batang biktima, masarap ang pagkakaluto ng mushroom kaya’t kinain nila ito.
Hindi naman nalason ang dalawa pang miyembro ng pamilya dahil kaagad nilang iniluwa ang mushroom.
Nagpapagaling na lamang ang mga nasabing biktima.
Binalaan naman ni Provincial Health Officer Dr. Anna de Guzman ang mga residente sa pagkuha at pagkain ng mushrooms na kapag cultured ay ligtas subalit mapanganib ang mga tinaguriang wild mushrooms.
By Judith Larino