Viral ngayon sa social media ang day-in-the-life video ng co-founder ng Lola Nena na si Steffi Santana patungkol sa “working lunch”.
Ano-ano nga ba ang masasabi ng mga netizen tungkol sa marketing clip ng Lola Nena?
Tara, alamin natin yan.
Naipakita ng video ang kaso ng micromanaging kung saan pinagtrabaho ng co-founder ang mga empleyado, kahit na naka-lunch break ang mga ito.
Nakasaad kasi sa Labor Law na ang bawat empleyado ay may karapatan para sa 60 minutes meal break kada araw.
Dahil dito, nakatanggap ng pambabatikos ang Lola Nena mula sa mga netizen na nagsasabing hindi dapat pinapayagan ang “working lunch“. Anila, mas masarap umanong magtrabaho kung may sapat na oras para makapag-relax at makaidlip.
Kaugnay nito, humingi naman ng pasensya ang nasabing co-founder na aniya naging careless at iresponsable siya sa kaniyang mga binitawang salita at actions.
Ikaw, ano ang reaksyon mo sa napanood na viral video? – sa panunulat ni Elaine Dimalanta