Patay ang isang lola matapos na iligtas ang isang taong gulang na apo na mababangga sana ng cargo truck sa probinsya ng Quezon.
Ayon sa naka-saksi, bigla na lamang tumawid sa kalsada ang apo ng biktimang si Clarita Camo, 63-anyos, at hindi napansin ang paparating na cargo truck.
Nagtamo ng sugat sa ulo si Camo matapos na mabangga ng naturang trak.
Agad namang dinala ang mag-lola sa ospital matapos na magtamo ng sugat ngunit idineklara nang dead on arrival si Camo habang nilapatan ng paunang lunas ang apo nito.
Samantala, kinilala ng mga otoridad ang drayber ng trak na si Danilo Rocha, 54-anyos.