Isang babaeng senior citizen ang nasawi habang tatlo ang sugatan sa pagtaob ng isang motorbanca sa Daanbantayan, Cebu.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), nasa bahagi ng Gato at Garrasa islands ang M/B Mercery nang hampasin ng naglalakihang alon.
Aabot sa 46 ang pasahero ng nasabing bangka habang pito ang crew members.
Patungo sanang Garrasa mula Barangay Poblacion, Daanbantayan ang sasakyang pandagat nang walang PCG clearance.
Pina-alalahanan naman ng PCG ang mga motorbanca operator at boat captain na ugaliing tumalima sa mga polisiya ng ahensya at iwasang maglayag kapag masungit ang panahon.— sa panulat ni Drew Nacino