Patay ang isang lola sa sunog sa apartment units sa Balut, Tondo alas 4:00 ng madaling araw.
Nakilala ang biktima na si Rosalina Hornilla, 69 na taong gulang.
Sampung pamilya rin ang apektado sa sunog na tumupok sa dalawang two storey apartment sa Alfonso street.
Iniimbestigahan na ng mga otoridad ang dahilan ng sunog na nagsimula sa ikalawang palapag ng nirerentahang apartment ng pamilya Hornilla.
By: Judith Larino