Patay sa sunog ang 96-anyos na babae sa Taguig City.
Kinilala ng Taguig Fire Department ang nasawing biktima na si Manuela Buquel, residente ng Apag St. sa Barangay Ususan.
Nangyari ang sunog kaninang alas-10:45 ng umaga na umabot sa unang alarma.
Hindi pa malinaw sa ngayon kung ang sanhi ng kamatayan ni Buquel ay dahil sa suffocation.
By Meann Tanbio
1 comment
Kawawa naman po yung lola na kapitbahay namin.