Isang lolo na tatlong araw nang nawawala ang natagpuan sa latian sa bayan ng Cortes, Bohol.
Kinilala ang senior citizen na si Bernardo “Narding” Concon, 78-anyos, dating chairman ng barangay Salvador na Agosto 24 pa napaulat na nawawala.
Malakas at ligtas si Concon nang mahanap ng mga rescuer at volunteer sa latian, noong Sabado ng hapon.
Ayon kay chief master sergeant Danilo Balane, deputy chief ng Cortes Municipal Police, nawala si Lolo Narding matapos pumunta sa burol ng isang kaibigan.
Batay anya sa CCTV footage, huling nakita si Concon sa Malayo Norte basketball court, na halos isang kilometro ang layo mula sa kanyang bahay.
Nitong Sabado, natunton ng volunteer na si Danilo Rosal si Mang Narding matapos sundan ang tunog ng mga nagbabalag-bagang alimango at mga bakas ng paa at dito na niya nadatnan si concon na nakaupo sa buhangin.