Nasawi ang isang 55 anyos na lolo matapos sagipin mula sa pagkalunod ang kaniyang mga apo sa Albay.
Ayon sa mga otoridad, namataan ng isang mangingisda na si Ronaldo Arquero ang biktimang si Azupardo at ang kaniyang 3 apo sa dagat na humihingi ng saklolo kung saan, nailigtas ng lolo ang dalawang apo at nasagip naman ng mangingisda na si Ronaldo, ang isa pang apo ng biktima.
Sa pahayag ni Arquero, mabilis ang pangyayari kayat hindi na niya nakita ang lolo ng mga bata.
Dito na napag-alaman na pumailalim ito sa sumadsad na barge at lumutang na lamang makalipas ang mahigit kumulang 20 minuto.
Ayon sa mga otoridad hindi ito ang unang beses na may nalunod sa lugar kaya inabisuhan nila ang mga residente sa lugar na mag doble-ingat lalo na kung maliligo sa dagat. —sa panulat ni Mara Valle