Patay sa pamamaril ang isang 85 years old na lalaki sa Ilocos Norte nitong Sabado.
Ayon sa imbestigasyon ng Pagudpud Police Station, nakatayo ang biktima sa loob ng kanyang kubo nang biglang pumasok at binaril ito gamit ang isang improvised shot gun.
Agad na namatay ang biktima matapos tamaan ng bala sa kanyang balakang.
Sa manhunt, agad na nakilala at nahuli ang suspek na kapitbahay pala ng biktima.
Kwento pa ni Police Major Eduardo Santos, kapag nakakainom ang suspek madalas umano itong mambato sa bahay ng biktima.
Sa katunayan, nakatakdang magharap ang dalawa nitong Linggo para sana pag-usapan sa barangay ang nasabing isyu.
Mahaharap sa kasong murder ang suspek. — sa panulat ni Rex Espiritu.