Nilinaw ni Office of the Presidential Adviser on Creative Communications Secretary Paul Soriano na hindi lang turismo ang pakay ng ad-campaign sa London kundi para na rin ipakita ang kakayahan ng mga Pilipino.
Nabatid na naging paksa ng usapin ang campaign slogan sa London bus tampok ang Filipino nurses kamakailan dahil umano sa malabo nitong mensahe.
Dagdag pa ni OPACC Secretary Soriano na layunin din ng ad campaign na itaas ang diwa ng mga OFW at parangalan sila para sa kanilang mga halaga.
Nagtatampok din ani Sec. Soriano ang video mga totoong kwento ng mga matagumpay na pilipino sa iba’t ibang bansa ay ipinalabas at ipinalabas din sa ibang bansa.
Tampok sa unang dalawang video si Charm, isang Filipina caregiver sa UK, at DJ, isang barista sa Italy.
Bida rin ang Filipina-British nurse na si May Parsons, na nagbigay ng unang bakuna sa COVID-19 sa mundo. – sa panulat ni Hannah Oledan