Gumamit ng long range fire assets sa kasagsagan ng balikatan exercise ang Pilipinas at Estado Unidos.
Ayon kay Balikatan Exercise Public Information Officer Major Al Anthony Pueblas, kabilang sa ginamit ng Armed Forces of the Philippines at US Armed Forces ang artillery weapon na 155 millimeter howitzer na kayang tumama hanggang sa layong 45 kilometers.
Bukod pa dito, isang 105 mm howitzer din ang ginamit ng dalawang bansa na kaya namang umabot hanggang 12 kilometers ang layo.
Nakatakda namang magpalipad ng mga attack helicopters ang pilipinas at us na siya namang dedepensa sa mga ground targets mula sa ere.
Iginiit ni Pio Pueblas, na mahalaga para sa militar ang paggamit ng long-range fire assets upang protektahan ang bansa laban sa anumang banta ng terorismo.