Itinutulak ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto ang pagkakaroon ng eksklusibong assistance fund para sa mga tinamaan ng kalamidad.
Ayon kay Recto, kailangan ang long-term aid para sa mga biktima kung saan tatawagin itong Conditional Cash for Typhoon Victims o CCTV.
Giit ni Recto, hindi tatagal ang mga magsasaka sa sardinas at kakarampot na bigas na tulong ng gobyerno para sa mga ito dahil mas maigi umano ang longer-term assistance.
Aniya, makatutulong din ang mga state college sa pamamagitan ng pag-suspinde sa paniningil ng matrikula at iba pang school fees sa mga estudyanteng apektado ng kalamidad.
By Jelbert Perdez