Pinag-aaralan na ng administrasyong Marcos Jr. ang long term rehabilitation sa Oriental Mindoro bunsod ng epekto ng oil spill.
Ayon kay pangulong ferdinand “bongbong” Marcos jr., gumagawa na ng hakbang ang pamahalaan upang mabigyan ng hanapbuhay ang mga apektadong residente dahil matatagalan pa bago makarekober ang nasabing lalawigan.
Tiniyak din ni PBBM ang patuloy na pamamahagi ng ayuda maging ang iba’t ibang mga programa para sa mga pamilyang apektado ng lumubog na MT Princess Empress.
Bukod pa dito, namahagi din ang gobyerno ng fishing boats, water pumps, fish smoking machines, vegetable seeds at certified palay seeds sa mga mangingisda at mga residente ng pola na isa sa pinaka naapektuhan ng oil spill.
Sinusuri narin ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang tubig at mga lamang dagat para masiguro ang kaligtasan ng mga residente sa lalawigan.
Sa ngayon, nagsanib-puwersa na ang Department of Environment and Natural Resources; Department of the Interior and Local Government; Department of Social Welfare and Development; Department of Labor and Employment; at Technical Education and Skills Development Authority para sa mabilis na pagbangon at maibalik ang natural environment sa Mindoro.