Makakatulong para sa mga botante ang mas mahabang panahon ng kampanya para sa eleksyon 2016.
Ayon kay Senator Ping Lacson, ito ay dahil magkakaroon ng mas mahabang pagkakataon ang mga kandidato na ilahad sa publiko ang kanilang mga plataporma.
Sa kabila nito, sinabi din ni Lacson na ang makikinabang lamang sa mas mahabang campaign period, ay ang mga kandidato na maraming pondo.
Iginiit ni Lacson na ito ay dahil sa kabila ng pagkakaroon ng batas na nagbibigay ng limit sa gastos sa kampanya, hindi naman ito sinusunod ng lahat.
Samantala, naniniwala si Senator Cynthia Villar na makakabuting ituloy na lang ng Commission on Elections (COMELEC) ang dating ipinatutupad nitong 90-day campaign period.
Ayon kay Villar, ito ay dahil tiyak na tututukan nalang ng mga pulitiko ang pangangampanya, sa halip na sila ay mag-trabaho.
Sinabi din ni Villar na nadisiplina na ang mga kandidato sa dating haba ng campaign period, at maiging huwag na lang itong baguhin.
Sa panukala ng COMELEC, magsisimula na ang campaign period para sa 2016 elections, sa Enero 10.
By Katrina Valle | Cely Bueno (Patrol 19)