Nararanasan na ngayong araw na ito ang pinakamahabang araw o longest daylight.
Ito, ayon sa PAGASA, ay dahil sa umiiral na summer solstice.
Sa nasabing weather phenomenon, nagaganap ang greatest declination ng araw na +23.5 ° sa tropic of cancer kung saan kabilang ang Pilipinas.
Nararanasan ang daytime sa Pilipinas sa average na 12 oras at 30 minuto subalit ngayong araw ay tatagal ang daytime ng 13 oras.
Ipinabatid ng PAGASA na ang summer solstice ay hudyat ng pagsisimula ng summer season sa northern hemisphere na nangangahulugan namang pagkakaroon ng pag-ulan sa Pilipinas sa mga susunod na araw.