Isa sa paboritong almusal combo ng mga Pinoy na “longsilog” o sausage na may piniritong itlog at sinangag, nag-trending sa isang online forum na Reddit.
Ito’y matapos i-post ng isang Redditor ang larawan ng pagkain sa forum noong Setyembre 11.
“[I ate] Filipino Longsilog (Sausage, Garlic Rice and Fried Eggs)”
Kung saan, ang post ay nakakuha ng higit sa 16,000 upvotes sa nasabing online forum.
Ang ilang mga Redditor ay nagtanong sa iba tungkol sa recipe at mga sangkap.
Pinuri ng isang Redditor ang orihinal na nag-upload sa presentasyon ng longsilog sa larawan.
Ang Longsilog ay isa sa maraming uri ng “silogs” o pritong itlog sa Pilipinas.
Kabilang sa ilang popular na variation ang tapsilog, sisilog (sisig), spamsilog, chicksilog at cornsilog.
Matatandaan noong buwan ng Marso, tinaguriang best food dishes ang lumpiang shanghai at tortang talong sa Southeast Asia.
Photo courtesy: r/food (Reddit)