Tatangkain ng University of Santo Tomas o UST na makapagtala ng rekord sa Guinness World Records para sa “largest human sentence”.
Nagtipun-tipon ang mahigit 16,729 estudyante para buuin ang salitang “My Teacher is My Hero” sa UST Grounds sa España, Maynila.
Pawang nakasuot ng kulay itim na t-shirt ang mga lumahok na mag-aaral.
Maliban sa tangkang makapasok sa Guinness, ang aktibidad ay bahagi din ng pagkilala sa mga guro sa pagdiriwang ng National Teacher’s Month.
Photo Credit: Ther Varsitarian/ Twitter
—-