Tila tinototoo ni Sharon Cuneta ang kanyang promise na magbawas pa ng timbang.
Sa isang post sa kanyang Facebook nitong Lunes ay masayang ibinalita ng Megastar na ngayo’y nakapagbawas na siya ng halos 50 lbs. at aniya tuluy-tuloy pa ang kanyang pagpapapayat.
Ngiting-ngiti si Sharon sa ipinost na picture na may caption na:
“This was taken this morning. I feel I’ve lost about 50 lbs. now but am still not satisfied. A little bit more to lose and I’ll be back to my pre-Miel shape! Hope you’re all doing well. Lots of love and God bless you!”
Una nang ibinahagi ni Sharon noong nakaraang Pebrero na nawalan siya ng 36 lbs. para sa paghahanda sa kanyang pagbabalik telebisyon bilang pinakabagong ‘The Voice Kids’ judge.
Inaabangan na rin ang movie comeback ng Megastar.
Photo: Screengrab from sharoncuneta/FB