Inilabas na ng Department of Justice (DOJ) ang lookout bulletin laban sa 5 heneral ng Philippine National Police (PNP) na isinasangkot sa illegal drugs.
Naging mabilis ang tugon ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa liham sa kanya ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mike Sueno na ilagay sa watchlist ang 5 heneral at tiyaking hindi sila makakalabas ng bansa.
Agad ring ipinadala ang lookout bulletin sa Bureau of Immigration (BI) upang mamonitor ang anumang pagtatangka ng sinuman sa limang heneral na lumabas ng bansa.
Sa kanyang liham kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, sinabi ni Sueno na kasalukuyang sumasailalim sa imbestigasyon ang 3 aktibo at dalawang dating heneral kayat maramat matiyak na hindi sila makakalabas ng bansa.
Matatandaan na sinabi ng National Police Commission na tatapusin nila sa loob ng isang buwan ang imbestigasyon kayat kailangang hindi makaalis ang kahit isa sa limang heneral.
Sa hanay ng mga akusado, aktibo pa sa serbisyo sina Director Joel Pagdilao, Chief Supt. Bernardo Diaz at Chief Supt. Edgardo Tinio.
Samantala, retirado naman sina Deputy Director General Marcelo Garbo at Chief Supt. Vicente Loot na ngayon ay isa nang alkalde.
By Len Aguirre | Bert Mozo (Patrol 3)