Inilagay na sa lookout bulletin ng Department of Justice (DOJ) si Senador Leila de Lima at 5 iba pa kaugnay sa umano’y pagkakasangkot ng mga ito sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison (NBP).
Kabilang din sa look out bulletin sina dating Justice Undersecretary Francisco Baraan, dating Bureau of Corrections Director Franklin Jesus Bucayu, PSG member Joenel Sanchez.
Bukod pa ito kina dating Presidential Anti-Organized Crime Commission Executive Director Reginald Villasanta at dating driver/bodyguard ni De Lima na si Ronnie Dayan.
Ang lookout bulletin ay hiniling ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa posibleng tangkang pagtakas ng mga iniimbestigahan sa nasabing usapin.
By Judith Larino | Bert Mozo (Patrol 3)