Nagpalabas ng lookout bulletin si Justice Secretary Vitaliano Aguirre laban sa may-ari ng Mighty Corporation at kapatid nito.
Sa kanyang memorandum, pinababantayan ni Aguirre sa Immigration ang posibleng tangkang paglabas ng bansa ni Alexander Dy Wong Chu King at Caesar Dy Wong Chu King.
Una nang nakipagpulong sina Aguirre at NBI Director Dante Gierran kay Alexander Wong Chu King na tiniyak naman ang pakikiisa sa anumang imbestigasyon hinggil sa alegasyong dawit sa smuggling ang kanilang kumpanya.
Customs vs. fake cigarettes
Samantala, tuloy ang pinaigting na kampanya ng Bureau of Customs laban sa mga importer at manufacturer ng smuggled at fake cigarettes.
Tiniyak ito ni Customs Commissioner Nicanor Faeldon matapos mag isyu ng TRO ang Manila Court na pumipigil sa Customs na mag-raid o mag-inspeksyon sa mga bodega ng Mighty Corporation mula March 3 hanggang March 23.
Ayon kay Faeldon, iginagalang nila ang TRO subalit ikakasa nila ang lahat ng legal na paraan para kontrahin ang nasabing TRO.
Sinabi ni Faeldon na babantayan pa rin nila ang mga bodega ng Mighty Corporation para masigurong ang mga nasabat na sigarilyo ay hindi mata-tamper o mapapalitan ng mga hindi lehitimong produkto.
By Judith Larino | Report from Bert Mozo (Patrol 3)