Nauwi sa panloloob sa ilang tindahan sa Mexico ang protesta laban sa napakataas na presyo gasoline duon.
Ayon sa National Security Commission, nasa 161 katao ang nakulong dahil sa looting.
Maliban dito, inaresto din ng mga otoridad ang mga nag-vandal.
Una rito, nagbarikada sa highway ang mga Mehikano makaraang tumaas ng mahigit 20% ang langis mula noong Enero 1.
By: Ralph Obina