Dismayado at labis-labis ang panghihinayang ni Department of Environment and Resources o DENR Secretary Gina Lopez makaraang ibasura ng Commission on Appointments (CA) ang kanyang appointment bilang kalihim.
Ayon kay Lopez, marami pa naman sana siyang plano para sa ahensya at para sa kalikasan.
Iginiit ni Lopez na malinaw na nanaig ang business interest ng mga mambabatas na miyembro ng makapangyarihang CA.
“Marami kaming plano, sayang. Na sana sa pamamagitan ng pag-alaga ng kalikasan dun manggagaling ang pakinabang ng lahat. We will gonna do it, you know. I am excited kasi may pera ang pamahalaan, may pera ang DENR, and I wanted to use that money to create programs na pwedeng pwedeng pwedeng alisin ang kahirapn dito sa bansa”, ani Lopez.
Sinabi ni Lopez na hindi pa niya alam sa ngayon kung ano ang susunod niyang plano matapos ma-reject ng CA.
Sa kabila ng nangyari, handa pa rin naman aniya siyang maglingkod sa pamahalaan sa anumang paraan.
Sa huli, iginiit ni Lopez na kakailanganin ng sinumang susunod na kalihim na DENR ang tapang at paninindigan.
“You know, it needs, one, it needs guts, it needs tapang, because you have to step on this business they are doing, and two, it needs integrity, it is a total tapang. And third, what the job also that needs is the develop experience, because that’s what I am bringing to the picture kasi eh. I know how to eradicate poverty and took care of the environment, at sana, yan ang gusto sanang gawin. So, I will still offer my services to President Duterte in terms of development”, pahayag ni Lopez.
By Ralph Obina