Bukas si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa alok ni Presidential Spokesperson Harry Roque na pangasiwaan ang pakikipag-usap sa pamunuan ng University of the Philippines.
Ito ay matapos na ipawalang bisa ng Defense department ang kasunduan nito sa unibersidad o ang tinawag na UP-DND 1989 accord.
Ayon kay Roque, sa kasalukuyan ay si Lorenzana pa lamang ang pumayag na pag-usapan ang isyu sa kanyang tanggapan habang wala pa aniyang tugon si UP President Danilo Concepion.
Samantala, iginiit ni Roque na walang pangangailangang umakyat pa sa lebel ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naturang usapin at sapat nang si Lorenzana ng makipag-usap para rito.
Una nang sinabi ni Roque na handa siyang i-alok ang kanyang tanggapan, kung kinakailangan para pangasiwaan ang diskusyon sa pagitan ng DND at UP para maresolba ang mga isyung bumabalot sa nabanggit na kasunduan.