Ito ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana ang kailangan ngayong panahon ng krisis para malabanan ang coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Lorenzana, itinalagang chairperson ng National Action Plan, dapat gawin ang ganitong koordinasyon sa patuloy na pakikipagtulungan ng mga government agency, local government units (LGUs), non-government units, at civil society groups.
Umapela si Lorenzana sa buong suporta ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na patuloy pa ring mangunguna sa mahigpit na pagpapatupad ng enhanced community quarantine at titiyak na hindi mahihinto ang delivery ng food supply at non-food suplies sa mga komunidad na apektado ng quarantine.