Nilinaw ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na hindi ito nakatanggap ng bakunang CORONAVAC mula sa Chinese pharmaceutical company na Sinovac.
Ito’y matapos kumalat ang ilang ulat na kasama si Lorenzana sa nabakunahan ng naturang bakuna.
Ayon kay Lorenzana, inabisuhan ito ng ilang eksperto na hindi siya maaaring mabakunahan ng dahil sa kanyang edad.
Inabisuhan aniya siya ng mga doktor na mayroong bakunang angkop sa kanyang edad tulad ng bakunang AstraZeneca.
Ipinabatid naman ni FDA Director General Dr. Eric Domingo, kailangan suriin ng mabuti ng mga nagbabakuna ang edad ng nais magpabakuna upang malaman kung pwede ito tumanggap ng bakuna.
Samantala, sinabi ni Domingo na maaaring mabakunahan ng AstraZeneca vaccine ang may edad na 18 taong gulang pataas habang ang Sinovac naman ang mga 18 taong gulang hanggang 59 na taong gulang lamang. — sa panulat ni Rashid Locsin.