Iminumungkahi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang pagkakaroon ng mahigpit na monitoring sa mga indibiduwal na nasa evacuation centers na posibleng may sintomas ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito ang inihayag ni Lorenzana, kasunod ng mga panawagang magsagawa ng COVID-19 testing sa mga pamilyang pansamantalang nanunuluyan sa mga evacuation centers.
Pag-amin ni Lorenzana, magiging isang malaking hamon sa pamahalaan ang pagsasailalim sa COVID-19 tests sa bawat evacuees.
Ayon kay Lorenzana, sa ngayon ay makakatulong kung mahigpit na babantayan ang mga makiktang sintomas sa mga evacuees tulad ng lagnat at ubo at agad na ma-isolate ang mga ito.
Sa kasalukuyan, ani Lorenzana, ay walang pang-ulat ng anumang COVID-19 outbreak sa mga evacuation center.
Magugunitang ipinanawagan ng OCTA Research team sa mga LGUs ang pagkakaroon ng sapat at maasahang COVID-19 test, epektibong contact tracing at isolation facilities para sa mga pamilyang nasa evacuation centers.