Makikipagpulong si Defense Secretary Delfin Lorenzana kay UP President Danilo Concepcion, anumang araw sa susunod na linggo.
Ito ay upang talakayin ang usapin sa pagpapawalang bisa ng 1989 UP – DND accord na nagbabawal sa pagpasok ng anumang puwersa ng militar at pulisya sa loob ng UP campus nang walang abiso sa board of regents.
Ayon kay Lorenzana, ilan sa mga nirerespeto niyang tao ang kumumbinsi sa kanya na makipagdiyalogo sa presidente ng UP.
Dagdag ni Lorenzana, kanya na ring hiningi ang tulong ng isang kaibigan para pangasiwaan ang pulo niya kay Atty. Concepcion sa susunod na linggo.
Una nang hinimok ni Concepcion ang DND na muling ikunsidera ang kanilang naging pasiya dahil mas maaaring magdulot aniya ito ng kalituhan at kawalan ng tiwala sa pagitan ang unibersidad at militar.
Ani Concepcion, nais nilang mapanatili ang UP bilang kanlungan ng lahat ng mga paniniwala at uri ng malayang pamamayahag.