Nanawagan ang Department of National Defense sa bawat pilipino sa bansa at nasa ibayong dagat na pangalagaan ang isa’t isa sa kabila ng pagkakaiba ng paniniwala.
Ito ang mensahe ni Defense Sec. Delfin Lorenzana kasabay ng pagdiriwang ng mga kapatid na Muslim ng Eid’l Adha o Feast of Sacfice ngayong araw.
Sinabi ng kalihim na magandang pagkakataon ang okasyong ito para bigyang pansin ang tibay ng loob, pagpapahalaga, pagdadamayan at pagkakaisa ng bawat Pilipino sa panahon ng pagsubok.
Panalangin ni Lorenzana, magkaroon ng inspirasyon ang bawat isa na tumingin sa labas ng kanilang kumportableng pamumuhay upang matutunang tumulong at magmalasakit sa kapwa.