Pina-iimbestigahan na ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang ‘di umano’y plano ng ilang negosyanteng Chinese na gawing economic hub ang tatlong isla sa Pilipinas.
Kasunod ito ng babala ng AFP na posibleng makumpromiso ang seguridad ng bansa kung papayagan ng pamahalaan ang Chinese investors na pasukin ang Fuga , Grande at Chiquita islands.
Una rito, sinabi ni Navy Spokesman Jonathan Zata na may mga telecommunications cable sa Fuga island samantalang dating defense perimeter ng mga amerika ang Grande at Chiquita noong 1990’s.
Ang Fuga island ay matatagpuan sa Babuyan island samantalang nasa Subic bay naman ang Grande at Chiquita.