Target din ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na ipawalang bisa ang kasunduan sa pagitan ng kagawaran at Polytechnic University of the Philippines (PUP).
Kasunod ito ng pasiya ng Department of Defense na i-terminate ang UP – DND accord na sinelyuhan pa noong 1989.
Ayon kay Lorenzana, kanyang pag-aaralan ang pagbawi sa naturang kasunduan sa PUP, oras na makakuha siya ng kopya nito.
Tulad ng UP-DND ACCORD, hindi rin maaaring pasukin ng anumang unit ng militar at pulisya ang campus ng PUP nang walang abiso sa pamunuan ng unibersidad.
Magugunitang, nananawagan ang Duterte Youth Partylist sa DND na ipawalang bisa na rin ang kasunduan nito sa PUP dahil sa pang-aabuso umano ng mga makakaliwang grupo upang hindi maaresto.