Tahasang tinawag na Bully ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang China dahil sa isinasagawa nitong Militarisasyon sa South China Sea at pakuha sa Scarborough Shoal.
Ayon kay Lorenzana, wala nang bago sa mga pahayag ng China na nais din umano nila ng mapayapang paraan para maresolba ang usapin sa agawan ng Teritoryo sa South China Sea.
Kabaligtaran aniya ang sinasabi ng China sa nakikita ng lahat na ginagawa ng mga ito sa mismong ground.
Dagdag pa ni Lorenzana, patuloy na bababa ang tiwala ng mga Filipino sa China kung hindi magbabago ang ginagawa nilang pangangamkam ng mga Teritoryo.
Magugunitang sa pinakahuling Survey ng Pulse Asia, patuloy na nangulelat ang China sa bansang pinagkakatiwalaan ng mga Filipino kasunod na rin ng kinasangkutang insidente ng isang Chinese Vessel at bangkang pangisda ng mga pinoy sa Recto Bank.