Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Lorraine Marie Badoy bilang Assistant Secretary ng DSWD o Department of Social Welfare and Development.
Ayon kay DSWD Secretary Judy Taguiwalo, magsisilbi si Badoy bilang focal person ng Office of the Secretary para sa implementasyon ng pagbibigay ng medical assistance sa mga drug dependent na isasailalim sa rehabilitasyon.
Si Badoy ay anak ni dating Sandiganbayan 3rd Division Associate Justice Anacleto Badoy Jr. na duminig sa kasong plunder ni dating Pangulo ngayo’y incumbent Manila Mayor Joseph Estrada.
By Meann Tanbio
Photo Credit: Lorraine Marie Badoy Facebook Account