Nagwagi sa NBA ang Los Angeles Clippers kontra Houston Rockets sa iskor na 142-111.
Tinapos ng Clippers ang game makaraang tambakan ang Rockets sa una hanggang ika-apat na quarter.
Nanguna sa koponan sina Marcus Morris na nagpakawala ng 27 points, 5 rebounds at 3 assists; Luke Kennard na nakapagtala naman ng 25 points at 3 assists.
Abangan naman bukas, Pebrero a-26 ang susunod na laro ng Clippers kung saan, kanilang makakalalaban ang Los Angeles Lakers alas-11 ng umaga, oras sa Pilipinas. —sa panulat ni Angelica Doctolero