Parehong nagwagi ang Los Angeles Lakers at Brooklyn Nets sa Western at Eastern Conference ng NBA.
Unang nagwagi ang Lakers kontra San Antonio Spurs sa iskor na 114-106 sa naganap na 7th Western Conference kahapon.
Tinambakan ng Lakers ang Spurs sa 1ST at 3RD quarter ng game kung saan, nanguna sa koponan si Anthony Davis na nakapagtala ng 34 points, 15 rebounds at 6 assists dahilan para maitala ang ika-8 nilang panalo sa laro.
Samantala, nilampaso naman ng Brooklyn Nets ang Oklahoma City Thunder sa naganap na 2nd Eastern Conference ng NBA sa iskor na 120-96.
Hindi nakabawi ang Thunder sa una hanggang sa huling quarter game matapos makapagtala si Shai Gilgeous-Alexander ng 23 points, 6 rebounds at 2 assists dahilan para umabot na sa 10 ang panalo ng Nets na may 4 na talo. —sa panulat ni Angelica Doctolero