Nagwagi sa Nba kahapon ang Los Angeles Lakers kontra Houston rockets sa iskor na 132-123.
Lumamang ng 9 ang koponan matapos matambakan sa 2nd at 4th quarter ang Rockets.
Nanguna sa panalo ng Lakers si small-forward shooting guard Lebron James matapos makapagtala ng 32 points, 11 rebounds at 11 assists habang nagpakawala din ng 25 points si Malik Monk at tig 24 points naman sina Russell Westbrook at Carmelo Anthony.
Abangan naman bukas ang susunod na laro ng Lakers kung saan, kanilang makakalaban ang Memphis Grizzlies, alas-9 ng umaga oras sa Pilipinas. —sa panulat ni Angelica Doctolero