Patay sa pamamamaril ang alkalde ng Los Baños, Laguna mag-aalas-9 kagabi.
Ayon sa Los Baños Police kakagaling lamang ng 66 na taong gulang na si Mayor Cesar Perez sa pagpapamasahe sa isang spa sa Barangay Baybayin at patungo ng munisipyo nang dalawang beses pagbabarilin ng suspek sa kaliwang bahagi ng likod nito habang nasa receiving area na.
Isinugod kaagad si Perez sa Health Service Medical Hospital sa Barangay Batong Malake subalit matapos ang 30 minutong bigong pag-revive dito ay idineklara nang patay ng mga duktor.
Hindi naman namukhaan ang mga suspek na biglang sumulpot mula sa hindi malamang direksyon at kaagad ding kumaripas ng takbo matapos yariin si mayor.