Inanunsyo ni Los Baños Mayor Antonio Kalaw na nagpositibo siya sa COVID-19.
Ayon sa Alkalde, pansamantalang sarado ang kanyang opisina at naka-quarantine ang kanyang mga staff at naging close contact.
Bagaman walang nararamdamang sintomas ng COVID-19 sa ngayon, itinalaga ni kalaw si Vice Mayor Josephine Sumangil-Evangelista bilang Officer-In-Charge habang siya’y naka-quarantine mula Setyembre 19 hanggang Oktubre 2.
Pinaalalahanan naman ng Alkade ang mga residente na maging maingat at sumunod sa minimum health protocols.—sa panulat ni Hya Ludivico