Boto ang aktres na si Lotlot de Leon sa manliligaw ng kanyang anak na si Janine Gutierrez na si Rayver Cruz.
Ayon kay Lotlot, bilag isang manliligaw ay mabait si Rayver at wala siyang masasabi sa binata.
Dagdag ni Lotlot matagal niya nang kakilala si Rayver at ilang beses na rin aniya ito nakatrabaho.
Malapit din aniya si Rayver sa buong pamilya nila.
Naniniwala rin si Lotlot na sincere ang pakay ng binatang aktor sa kanyang anak na si Janine.
Gayunman sinabi ni Lotlot na kahit nais niya nang sagutin ni Janine si Rayver at suportado niya kung magiging pormal ang relasyon ng dalawa, ipinauubaya pa rin niya ng desisyon sa kanyang anak at hindi siya makikialam.
—-