Nasungkit ng nag-iisang mananaya mula Ormoc City ang jackpot sa 6/42 Regular Lotto.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), natumbok ng bettor ang six-digit winning combination na 37-09-25-14-28-04 na may katumbas na premyong nagkakahalaga ng 5.94 million pesos.
Ang 6/42 Regular Lotto ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Sabado.