Gagawin nang digitized ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang lotto games para palakihin ang kita at pondo para sa charity works.
Ayon kay Mel Robles, General Manager ng PCSO, magiging App-based na ang pagtataya para mapadali ang pag-lalaro para sa mga mananaya.
Saad pa niya, malaking tulong ang pagtaas ng revenue collection mula sa lotto games na sinasabing hirap magpatuloy dahil sa buwis na ipinapataw sa kanila.
Naging balakid ang pagtaas ng buwis sa pagtulong ng PCSO sa mga indibidwal na naghahanap ng ayuda para sa kanilang pang medikal na gastusin.
Ang dating P9-B charity funds ay bumaba sa P900-M dahil sa buwis na ipinapataw sa kanila.
Bukod sa mandato na pondohan ang Universal Healthcare Law, nagbabayad din ang ahensya ng Documentary Stamp Tax (DST).
Nabatid pa ni Robles, umabot sa P5-B ang DST ng PCSO at isang bilyong piso naman para sa Malasakit Center Law implementation kaya’t maaari na lamang silang magbigay ng P30,000 para sa mga mahihirap.
Kaugnay nito, sinabi ni Robles na may mga pagkakataon na ang ayuda na ibinibigay sa mga mahihirap ay sumailalim sa buwis, ngunit tinutulan ng PCSO ang naturang hakbang.—sa panulat ni Hannah Oledan